top of page
Search
x

Sharen - IDB | LEGARDA | THE SKELETON YEARS | HAPPYBOY

Updated: Apr 25, 2021

IDB WAS A SHORT-LIVED MONUMENT FOR THE UNDERGROUND,

THE MAINSTREAM (sellouts) AND THE GRIMY MUCK IN BETWEEN.


SHORT FOR IN DA BOX, IT STARTED OUT AS A REHEARSAL STUDIO FOR SWEATY KOREANS AND HORNY TEENAGERS IN THE AREA AND SOON BLOSSOMED INTO A VENUE FOR A SMORGASBORD OF IMPORTANT COUNTER-CULTURAL EVENTS.

VARIOUS INDEPENDENT COLLECTIVES IMMEDIATELY SWARMED ITS GATES AND PLOTTED THEIR SINISTER PLANS ON IDB'S CALENDAR AS SOON AS IT OPENED DUE TO SHAREN THE OWNER PLAYING FOR A COUPLE OF PUNK UNDERGROUND STALWARTS AT THAT TIME - RICHARD COLLIER AND LEGARDA.


LOCATED IN THE MENACING TROPICAL RAINFORESTS OF SUCAT, PARAÑAQUE, IDB WAS A WELL RECEIVED RESPITE FOR GIG-THIRSTY AND STINKY PUNKS FROM THE SOUTH WHO NO LONGER HAD TO PUT UP WITH THE LONG COMMUTE TO VENUES IN QUEZON SHITTY AND THEN VOMITING ALL THE WAY BACK HOME.


LADIES AND LOSERS, PUTANGINA NINYONG LAHAT MAG TAGALOG MUNA TAYO...



Sharen's last soundcheck at IDB, circa 2014

 





DAY 1

Oi Sharen magandang umaga, gising ka na ba?

Yo Hahaha


handa ka na ba sa interview?

Hahaha shoot


ok, this is my magic mirror Sharen, titigan mong mabuti... ilang porsyento ng kasaysayan ng IDB ang naalala mo pa

blurry arch.. halong alak at gulay Hahaha


haha pero naalala mo anong taon nag simula?

Di na rin e.. sa mga fb memories ko na lng nakkta ang petsa..

cguro 8 or 9 yrs ago..? 2011? Apr 2011 arch


Ah oks, so ang pagkaka alam ko studio sya nung una tama ba?

Yes.. around Nov ko sya gnwng studio/ bar. same year 2011


pero wala pa sa plano noon na maging bar?

Yes. As in wala. Haha walang kita ang studio ng ilang buwan..




dun nagpapraktis Legarda at TSY ( The Skeleton Years ) ? sino mga typical customers mo?

Yes dun nag jajam legarda.. pro wla png TSY nun.. kakahiwalay lng ng rc.. typical hs kids.. cguro 2 banda lang per week.. hahaha


ah ok, anong taon ba nabuo TSY?

Mid 2012


tapos kelan kayo nagdecide na gawin nang bar ng tuluyan?

2011 din arch.. pro weekdays lng sya gnagwang bar.. studio sya mon to thurs.. tas walang nagjajam.. Kaya fri and sat lng ako nkakabawi kung may pagig..or ako mismo may pa gig..


Ilang taon din ang itinagal ng IDB?

I think 3 years..




nakarami rin local at foreign bands diba?

Ahh yes. Pojax is love.


mababait ba yung mga pojax na yun?

Oo. Umuubos ng panindang beer.. lahat happy. Maliban lang dun sa nahuli sa ibaba ng idb.. hahaha

Sinabi na kcng sa 2nd floor pwede sumindi. E sa tapat ng presinto ba namn e.. hahah


haha narinig ko nga yata yung kwento na yan. sinong foreign na banda pinaka tumatak sa isip mo?

Hmmmnnn... Nalimutan ko na name arch.. hahaha bsta yung vox babae na humihiga sa sahig.. japanese sila..

Tsaka grand hotel paradox.. umaga na kami natapos nun.. may araw na.. hahaha


may pag asa pa bang bumalik ang IDB?

Di ko sure pero malay natin.. hahaha




gusto mo ba?

50/50 arch.. gsto ko sya kaso minsan nkaka stress.. hahaha


totoo yan, mahirap talaga yan. lalo na maraming buraot mapa mainstream o underground man

Sa ug namn pasaway lang.. hahaha sa mainstream namn matatawa ka na lng.. hahaha


hahaha kwento ka naman jan tooollll

Hahaha ok scenario.. yung vox ng banda lumapit skin.. habang nag soundcheck kabanda nya pwede ba daw ba dun muna sya sa kitchen, kc may entrance daw sya. Well ako namn oo lang pro dko mapigilan tawa ko. Genre ng banda glam.. so nka spandex and hair make up sila lahat.. tas ayun nung cue na nya pra lumabas. Wew. So naimagine mo na? Name ata nila nun ss rock 7 pro lam ko nagpalit na name.. like us on fb daw e..

After one song umuwi nko at pina bantay na lng k d'man.

Meron pa dko mllmutan.. tumugtog mayonaise idb.. hahahahah di kinaya nung stage ko.. nabutas..kaya inalis ko na yung elevated stage mula nun..





hahaha damn, sa dating e mukang mas nag eenjoy ka sa kusina noon

Ahh yes. As always. Lalo n pg dko kilala yng prod.


ano niluluto mo madalas dun?

Sisig , potato wedges tsaka nacho..


munchies yun ahh

Hahaha yesss pag low budget namn sizzhotdog hahaha


pano ba madedefine o describe yung musical taste mo, at gaano ka ka involve sa song writing ng mga banda mo

Naku baduy ako, haha d ako masyado nkikinig ng hc.. metal.. or ket na anong mabibigat.. hahahaha pag ok sa pandinig ko papakinggan ko, pro pag ayaw ng katawan ko dko pinipilit para maging relevant. Hahaha sa song writing namn.. ummm pano b eexplain to.. yung tipong may baon kada jam ng banda.. may konting riffs and ideas pra sa song.. yung tpong mag kaskas ako dyan tas sbhin ko chords.. tas sila na bahala dagdagan same din mga kabanda ko, magkaiba kc sa legarda and tsy sa pag gawa ng kanta.. mabilis proseso sa tsy.. magaling kc yung vox bwahahaha.. sa legarda months minsan taon bago mabuo yung kanta..

hahaha

Makakalimutin kc ako arch.. name ng tao.. banda.. o title ng kanta..



pareho lang naman tayo, bakit kaya? haha

Hahahaha cguro kalakasan nung kabataan.. naniningil nano sadyang wla tyo pake. Hahaha


hahaha oo nga e, panay rin nga ang iwas at tago ko sa "naniningil" na yan

sa ingin mo may pag asa pa tayong maging sXe?

SanXenuman? Hahaha malabo na ata arch..



ano ba pinagkaka abalahan mo ngayong ECQ, TV?

Tv, aso, kain, tulog, ps. Scroll scroll ng cp..

Walang alak sa pque.. bawal pa

D pako humahawak ng gtara ilang buwan na nkakalipas..


ako pinipilit ko mag gitara, nakaka depress kase pag di ka man lang makapag gitara

pero saglit lang din ako nakaka paggitara

Hehehehe mga tipong 5mins tops?


oo tapos nakaka tamad ligpitin

Hahahaha



DAY 2

oi nasan na ba tayo?

Hahaha sa di pag hawak ng gitara

haha oo nga... Gitara ka lang ba mula noon, pano ka ba nag simulang ma ulol sa pagbabanda? Hahaha gnto yun.. 1st year ko sa pwu, kinuha akong bass para sa backfist, and yep. Kabanda ko na darwin 98' tropa ng ate ko si darwin sa pwu.. dati mga sounds ko nun mainstream.. binagsakan ako ng mga tapes and cds ni weng.. mga Charles Bronson etc.. Pero yes natuto ako mag gitara mga 13 palng ako, sa tabi ng bilyaran sa manadaluyong..

HOO putangina mga ganyang kwento gusto ko

Hahahaha

tumatayo balahibo ko kase naalala ko rin kabataan ko mga anong year yan?

D namn ata tyo ngkakalayo ng edad.. 82 ako Pinanganak 98 ang taon, kurso ko dapat music sa up, bagsak.. naging fine arts sa pwu.. walang inatupag kngdi tambay sa macbeth tapat ng fine arts bldg..

panalong panalo bigayan ng mga taon na yan tol

Panay counter strike inatupag Ahhh di ako nalalayo dyan Kinse anyos unang alak at yosi at suka sa pader


( some parts of this interview were deleted for security reasons hehe - PNNP )

ayun.. balik tyo sa pwu..

Kada jam namin ng backfist 15 mins palng tas na kmi agad.. tas ayun pag tas ko mag bass hawakn ko gtara.. kaskas kaskas tas si darwin mag bass.. tas ayun nabuo isa pang banda.. hand painted wall.. pero kmi din yun sa backfist.. Minus crisanto lang.. Pop punk lang.. simple bagsakan..

covers? o compo na rin?

Deins.. compo agad

oooh

Pinahiram lng ako ni weng ng mga cds.. Dami collection nun e. Sa knya ko narining mga ataris

nung nagjajam kayo, nasa isip nyo na rin ba sumalang sa gigs?

Ay oo.. hahah pero sa pag bilao agad unang gig namn Maliban sa pwu.. hahaha Napalaban agad sa Pagbilao Dun ko unang nakita mga nka jacket tas tayo-tayo buhok Dun din kmi pinakain ng pancit na may gin.. hassle.. gutom kami nun at mga estudyante lng kmi non.. buti na lng madaming baon si crisanto ng tsokolate wag daw ako maingay at bka maubusan kming 2.. hahaha good times.. So turn na namin.. dami namin baon na kanta nun.. nung last song namn 1min and 15 secs.. nung 15 secs na yun tska lang sila nag slamman.. e tas na yung kanta so nagmukha silang tanga db? Hahahahahahahaha after ata nun di na nasundan ang backfist.. Sa hand painted wall kami nag concentrate ni weng.. Yung drummer namn medyo di ganun ka teki sa palo.. nagkaroon kami drummer.. si Nathan.. Dating drummer ng Mindrape.. To make the story short.. Nagkaroon ng gig sa skins sa malate.. Nka salang kami dapat,

di sumipot sa nathan. Hahahah, Yamot kami lahat. Nung gabi nun nag txt ako k weng.. quit nko. Tas sabi nya sya din.. hahahaha, After nun mga 1 taon lumipas Richard Collier from cavite.. Nabalitaan ko na lng.. Tas yung gitarista nila aalis ata pa saudi..Tas ayun inimbitahan ako ni Weng.. aralin ko daw mga ibang pyesa.. kasi yung ibang kanta ng rc sa hpw galing.. hahaha

yun pala istorya nun!!

Lugi ako, ako lagi dumadayo pa Cavite, Hahaha pero lab ko mga etivacs Deins ako napatrobol dun ket isang beses. as ayun rc nko, takefour collective

Maswerte lng ako kasi ako ata pinaka bata sa lahat. Si Mic bully yun sakin.. hahaha pero lab ako nun..


after ng breakup parang 2 beses ko pa kayo napanood sa RC ( Richard Collier )

Tas nood kmi gig.. killajohns, Ahh yes.. umabot dun.. kumuha lng kmi bassist kasi busy si mic sa pag aabugasya. May banda din kasi ako nun. Sila dave usi.. tska heritage.. utol ni Francis Alcantara. Sabi ko k weng magaling kabanda ko..

Tas ayun.. ending 2 Pque 2 Cavite. So syempre kami pa din dadayo pa cavite.. hahahahaha

Elise mckenna pla name nung isang banda ko.. partner ni Richard Collier.. nyehehe

Isang beses lng ata kmi tumugtog.. gig din ata ng RC nun.. hahaha kakahiya..

Isa din yung experience na yun para mag tayo ng idb.. syempre after ilang years pa yun bago nangyare.. hahaha

Lagi kasi kami dumadayo sa malayo.. panget kc eksena dto pque.. puro metal gigs..


IDB's Last Show on Earth

DAY 3

Hello Sharen andtio na tayo sa pangatlong araw ng ating theraphy sessions. Kumusta pakiramdam mo?

Bored af haha


Di ba dati gumagawa ka demos sa laptop mo?

Ah sa happyboy.. heheh oo dahil dun npasali ako sa legarda.. haha


Ano nga uli yung HappyBoy?

Yung puro teki teki tugs tugs.. haha teka..


HAPPYBOY Soundcloud Links Below



Gig dati sa bar nla Marben ( BADBURN ).. gig ng RC.. kulang legarda wla si Agee.. inabisuhan ako ni Kit kng trip ko daw session sa knila. So nung gig mismo dala ko na laptop ko.. tas ayun nag fx fx ako sa knta nla.. hula hula lng After nun member na ata ako. Tas nwala si Agee.. sb ko hawak nlng ako gtara.. Tas ayun na.. LEGARDA

ah oks, anong year yan tol? May bar pa sila Marben.. Ten02 dko matandaan.. almost 10yrs nko sa legarda.. hahaa 2010?


haha, buti sakto naman yung mga taste nyo sa music?

Mgkakaiba din trip nmin.. hahaha nagkakasundo lng pag gmagwa so madaming input bwat isa.. ok din yun pra di redundant tunog.


naisip mo pa bang gumawa ng ibang project bukod sa mga napag usapan natin na banda?

Yes. Kaso pag inisip ko hassle lang hahah dami din kc gsto gwin.. and di ko maaksyunan kc dami tengga sa 2 banda.. cguro pag nkapag labas na ang tsy at legrda bka umpisahan ko na


pero anong tunog ba talaga yung pangarap mo? yun talagang kung may oras, resources at lakas ka e gusto mong magawa na tunog ?

Clean tone lang walang fx fx.. tpong pang beach.. hahaha dko lam arch pro hbng ngkaka edad nag iiba taste..

Sampol:


hahaha alam ko yan!

Bago natin tapusin ito ay gusto kong magpasalamat sa tyaga at oras na binigay mo... may gusto ka bang ipaabot na mensahe sa mundo?

Hahaha wag maging sheep. Wake the fuck up! End of msg.

Thank u din arch : )




photographs & memories



 

162 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page